#tara kape
Explore tagged Tumblr posts
Text
Adhika
(n.) goal; ambition; wish; desire
📍Adhika Coffee Shop | Angeles City, Pampanga
~really having a good time with someone who truly understands me
the unexpected friendship that I'll treasure forevs
my kumare na ate ko pa na walang sawang nakikinig sa mga hinanaing ko lagi
"nanay, tatay gusto kong tinapay. ate, kuya gusto kong kape."
cheers to more coffee this 2024 kahit kapalit ay reflux at palpitate! 😂😭
9 notes
·
View notes
Text
Ang UNO Kape
Visited Angono Wawa and found this street-movable little coffee ☕ outlet.
Mr. John Paul Nunez single-handedly operates this little Cafe of his which is located here in Tiamson St., Kalayaan, Angono Rizal
Menus and prices were competitive and very creative, I must say.
He was once a Barista from a well-known coffee ☕ shop chain in the Metro where he enhances his craft and then later on decided to put up his very own coffee ☕ shop.
And here's my iced cold cappucino ready to chill me up😊
Their strawberry 🍓 milk fruity were indeed very refreshing to drink while chilling here on the lakeside doing nothing but enjoying the settings sun ☀.
#Kape#kape tayo#tara kape#Ang UNO Kape#Coffee#istariray23foodphotography#istariray23#foodporn#foodlover#healthy food#istariray23laboy#istariray23travel
9 notes
·
View notes
Text
Kape sa lahat ng pag kakataon....
Tara Kape ☕ tayo....
#Coffee#Kape#kape tayo#tara kape#istariray23#hugot#hugot quotes#hugot feels#hugotquotes#hugot101#istariray23hugot#hugotfeels#hugotpamore#hugotlines#istariray23hugotlines
3 notes
·
View notes
Text
Caffeinated Souls
She was the kind of girl who never liked expressing her feelings and emotions. Even when she’s awfully missing her best friend, she wouldn’t tell him — she’d say it in another way.
“Tara, kape tayo.” She told him over the phone.
“Ayoko. Busy ako.” He responded, sarcastically.
There was nothing else in this world that he’d ever wanted to do more than spend time with her. And no matter how busy he was, he’d always make time for her.
“Libre ko.” She insisted.
“Edi let’s go na.”
At the coffee shop, they enjoyed their favorite java chip frappuccino and they talked about literally everything but their feelings for each other.
“Alam mo ba?” She said, “hating coffee is more natural for humans, kasi we evolved and developed an instinct to be disgusted by anything bitter to avoid poisonous foods.”
“If it’s more natural for humans to hate coffee,” he said. “Bakit ang hilig hilig natin sa kape? Is it the caffeine?”
“Maybe.” She said.
“Yeah, maybe.” He said.
They were aware that it wasn't solely the caffeine fueling their cravings — it was the enchanting moments they shared over coffee that truly captivated them.
71 notes
·
View notes
Text
Tara kape! 😁
FB Page: @Lunakaer
IG:@lunakaer
10 notes
·
View notes
Text
Tipikal na araw, matapos ang mahabang araw ay nag-decide ako na magkape. Pinili kong mag-stay muna sa hometown ko, kahit wala namang choice. Walang pinagbago. Ganoon pa rin ang ganda ng paligid kung ano ang kinalakihan ko (kahit wala naman talagang ganda) at pare-parehong mga tao pa rin ang namumuno sa bayan. Kaya wala talagang nagbabago… anyway.
Malapit sa eskwelahang pinag-aralan ko nung high school ang coffee shop. Ang daming estudyante! Well, ano naman ang karapatan kong mag-reklamo kung pumunta naman ako sa oras na alam kong uwian at dadagsain ng mga estudyante mas burgis kaysa sa akin. Hindi ko ma-comprehend, paano nila naa-afford ang kapeng nagkakahalaga ng higit sa P100, eh magkano lang ang baon ko nung high school? Well, keber ko! Ayaw ko naman maging litanya ko ang mga kwento ng mga nanay at tatay natin na “kami nga, piso lang ang baon namin noon!” para ipa-mukha na napakaswerte kong anak. Kayo ang swerte, sinasagot ko. Dahil anak ninyo ako. Sabay iirapan ako ng nanay ko, at isusumbat sa akin tuwing may argument kami na “anak lang kita, iniri lang kita!” Well, ako naman, sasagot—”excuse me, cesarean mo akong pinanganak, kaya hindi mo ako iniri!” Sabay titingin siya sa akin, hindi ko alam if matatawa siya o lalong magagalit. Walang logic ang reaction sa mukha niya. It’s a mixture of anguish and ridicule. Naguluhan siya, kaya, sasampalin na lang niya ako. Plak!
Bukod sa thought na ang dami nilang budget, pansin ko na ang babata ng mga nasa coffee shop! (In fairness naman sa mga kabataan ngayon, conscious na sa hygiene! Unlike noon na naghahalo ang amoy ng lagkit ng pawis at singaw ng hininga sa kulob namin klasrum). Na-realize ko na “wait, high school ang mga ito!”, at working na ako, meaning—matanda na talaga ako. Pero wait, 23 pa lang ako! Pero wait ulit, 23 na ako?! What the fuck! Ang bilis ng panahon! Kasing bilis kung paano nagawa ang order kong spanish latte, na mukhang lehitimo naman, pero parang may kulang… ‘yung sugar, okay naman! ‘Yung condesed milk ba? Hindi rin. ‘Yung cinnamon ba? Hindi! Lasang-lasa eh! Hmmm… ay! Alam ko na! ‘Yung sukli ko. Miss, ‘yung sukli ko po.
Nung nakaupo na ako, napagtanto ko na parang nag-time skip ako nang malala nung kasagsagan ng pandemya. A part of me believe na, hindi ko naranasan ang peak ng kabataan. Kapag nagpi-fill out ako ng forms at tinatanong ang edad, may halong gulat at emptiness kapag nilalagay ko ang “23 years old” sa form, kasi parang hindi naman ako bente tres anyos? Habang nilalagok ko ang kape, ay siyang hirap ko sa paglagok ng katotohanang unti-unti na akong tumatanda at nagbabago na ang ikot ng aking mundo. Nagkaroon ako ng moment of reflection. Labing-siyam na taong gulang ako nung nagsimula ang pandemic, halos bumalik na sa normal ang lahat ay 22 na ako. Ang haba ng panahong nawala, pero parang wala namang relevant na nangyari sa buhay ko. Time stood still pero ang biological clock ko, hindi! Lumabas na ang uban ko, mas lumabas ang adult features ko, at mas dumami ang stretch marks—pati stress marks ko!
Marami na palang signs before. Dati, nag-aya mga kaibigan ko na mag-Morato at mag-inom. Well, since noon lang kami ulit nagkita-kita, go lang! Pero nung nandoon na, para hindi na nanumbalik ang energy na dati ay mayroon ako kapag may mga gimik kami. Para akong cellphone na ginamitan ng charger na nabili sa bangketa—ang bilis ma-drain! ‘Yung dating ingay at gulo at sinasaliwan ko ng sayaw at halakhak, rindi na ang definition sa bokabularyo ko. Tara guys, lipat tayo! Ang ingay dito! Lahat ng friends ko, nakatingin sa akin na parang “ginagago mo ba kami?” Maalala ko, ako nga pala nag-aya sa place na ito. Well, eh ‘di pasensya! Hindi na sanay ang sistema ko sa gulo ng kasiyahan, parang ako ‘yung malas na tinataboy ng ingay kapag new year. Lumabas na lang muna ako, at nagpahangin. Sabay tanong sa sarili na bakit ba kailangan pang mag-effort bumiyahe para lang uminom? Well, going back sa original na diskurso, ako ang may gusto nito!
Sa mas malalim na assessment, parang ang bilis lumipas ng panahon, na parang magpahanggang ngayon, ay hinahabol natin ang ating sarili na tumugma sa kasalukuyan. Sa totoo lang, marami pa sa atin ang hindi pa maka-keep up sa takbo ng mga araw. Kasama ako. May part sa akin na hinahabol ko ang enjoyment ng buhay. Gusto ko pang mag-explore ang Pilipinas! Putangina, asan ang pera?! So balik ako sa pagbibinge watch ng mga pelikula dahil wala naman akong choice!
Naubos ko na ang kape ko at pinili kong maupo muna at namnamin ang napakamakabuluhang thoughts ko. Niligpit ko ang basong ininuman ko sa tray at iniayos sa harap ko.
May binatilyong tumapat sa akin, mukhang iniispatan na ang upuan ko. “Tapos na po ba kay…”
“Nakita mong nakaupo pa ako, hijo, ‘di ba?!” Oo nga. Matanda na ako.
4 notes
·
View notes
Photo
it’s coffee o’clock! Tara, kape? ☕️ (at Coffee Project) https://www.instagram.com/p/Cog8bYbS9Ve/?igshid=NGJjMDIxMWI=
7 notes
·
View notes
Text
The Comfort Room muna habang nagpapakalunod sa trabaho. Tara kape?
6 notes
·
View notes
Note
favorite mong timpla ng kape and why?
Puro at natural walang halong kemikal charr pero bet ko talaga strong, dark, and pure just like my heart. 😅
Tara, kape. ☕️
14 notes
·
View notes
Text
tbh
most of the time, if i feel sad, empty or alone? A cup of coffee is enough. Tara kape?? 😂😁
2 notes
·
View notes